Dear Inay,
Kamusta na kayo dyan? Nalungkot ako nung sinabi sa akin ni ate na hindi na naman kayo makakauwi dito sa atin ngayong pasko. Mag isa na naman ako sa Noche Buena. Sabi ko naman sa inyo hindi mahalaga ang regalo. Oo, hindi magarbo ang buhay natin gaya ng buhay ni ate dyan pero hindi naman tayo nagugutom dito ah. Dito Simple ang buhay at Mababait ang mga tao.
Alam kong hindi ako nagkamali ng piliin kong mamalagi dito sa atin kaysa sumama ako sa inyo dyan sa America. Alam ko na ito din ang gusto ni itay kung sya'y nabubuhay pa. Ayaw ko din naman na mabalewala ang hirap nya dito sa ating bukid. Kaya sabihin mo kay ate wag na nya akong kulitin na sumunod dyan dahil wala talaga akong balak.
Huwag kayong mag alala dahil di ko naman pinapabayaan ang ating bukirin. Medyo mahirap nga lamang umahon dahil sa mga sunod sunod na nagdaang bagyo. Pero sa awa ng Diyos naiiraos naman. Yung nga pala ang gusto kong iwento sa inyo. Ang babait ng mga kapit bahay natin dahil hindi nila ako pinapabayaan. Minsan nga tinutulungan pa nila ako sa mga gawain. Lalo na sa paglilinis at paglalagay ng pataba sa lupa. Madalas ka ngang itinatanong sa'kin eh. And sabi ko na lang nagbabakasyon ka muna dyan para makasama mo ang mga apo mo. Kapag tinatanung naman ako kung kelan ka babalik ang sabi ko na lang baka sa Marso pa. Buhay Doña ka daw dyan sabi ni mang Isko.Yun nga palang bahay sa likod ay malapit ko nang maipagawa. Siguro pag tungtong ng pebrero ay ok na ang lahat. Maaari ko na din itong paupahan para kahit papano ay may maipadala ako dyan sa inyo panggastos. Para hindi na prublemahin ni ate.
Yung mga alaga naman nating hayop ay lumalaking malusog. Di na din mapiglilan ang pag dami. Pano naman maya't maya may mga ligaw na nagagawi dito sa atin. Alam mo naman na mana ako sa inyo. Malambot ang puso sa mga ligaw kaya't hindi ko matiis.
Naglakip nga pala ako ng litrato. Sanay namimis nyo din ako dyan gaya ngpagkamis ko sa inyo dito sa atin. I-kiss mo na lang ako sa mga anak ni ate. Sana'y magkasama-sama tayo next year sa birthday mo. Basta huwag nyo akong alalahanin dito dahil ok na ok ako. Madalas ko lang kayong namimis. Mag sisimbang gabi na naman ako nang mag-isa.Nagmamahal,Juan
Sunday, December 6, 2009
Liham ni Juan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment