Sunday, December 6, 2009

Kuro-Kuro

Sabi nila ang pangulo ng Pilipinas ang kumakatawan sa buong bansa. Ibig sabihin kung ano man ang sabihin nya at gawin yun ang pananaw ng nakararami. Tama hindi ba? Dahil tayo ay isang Demokratikong bansa.

Ngunit, hindi ko to kayang tanggapin kung ito'y ibabase sa kasalukuyang pangulo ng Pilipinas. Na ang Pilipino ay sinungaling. Mapang lamang sa kapwa. Sakim at gahaman sa kapangyarihan. Kasuka suka. Marami kaming mga Pilipino na mas ninais na manatili dito sa Pilipinas ang ganito ang nararamdaman. Samantalang yung mga sumuko na at iniwan na ang Pilipinas ay sila pa proud tawaging Pilipino. Napaka Ironic.

Tingnan nating mabuti ang kalakaran dito sa Pilipinas at pag tagpi tagpiin natin at subukang ikonekta ang mga ito sa isa't isa.

Sino ba silang may pinaka malaking buwis na binabayaran? Ang regular bang mga mamamayan na tulad ng isang magsasaka na nagsasaka ng mahigit 8 oras sa bukid samantalang hindi naman makabili ng sarili nilang lupa upang sakahin? O kaya ang isang guro na dinadala pa sa kanyang pag uwe ang kanyang mga trabaho? Hindi din eh. Tanungin mo ang isang 6 na taong gulang na batang babae kung ano ang gusto nyang maging paglaki. Malamang sa hindi gusto nyang maging artista. Totoo naman eh. Sapagkat nandun ang pera at ang kasikatan. Sino ba naman ang ayaw ng dalawang iyon?

Ang mga sikat na personalidad sa Industriya ng showbiz ay bukod na pinagpala ika nga nila. Talent fee doon at dyan. Bukod pa yan sa mga endorsements na ginagawa nila sa telebisyon. Kamakailan lamang nakapanuod ako ng isang commercial sa telebisyon na nagsasabing hindi porke may corned sa pangalan ay kasing sarap na ng corned beef. Diba't nauuso ang corned tuna ngayon? Ang isa naman ay isang inuming pampalamig na nagsasabing hindi sapat ang puro saya lang sa iced tea. Crazy! I have nothing against these endorsers personally. Nais ko lamang ipakita ang punto ko na dahil sila ay bayad. Sasabihn nila at gagawin kung ano man ang ipagawa at sinasabi ng script. Wala nang mukhang tanga. Pera yan eh. Tama ba?

Sa industriya ng advertising may mga kumpanya akong sinasaladuhan dahil sa hindi nila pag gamit nga mga sikat na artista upang ipromote o iendorse ang kanilang mga produkto. Pero subukan mong umupo sa harap ng telebisyon at iyong mapapansin na mangilan ngilan na lamang sila.

Ngaung tapos na ang filing ng certificate of candidacy ng Comelec malamang ay napanuod ninyo ang ilang infomercials na ginawa at ginastusan umano ng mga kaibigan ng mga pulitikong may malalaking pangarap ngayong darating na eleksyon. Di ba't may mga sikat na personalidad pa ding nagamit sa mga infomercials na yan? At sigurado ako na pagdating ng campaign period ay mas marami pa tayong makikita. Subalit napakalaking contribusyon pa din ng mga endorsers na ito sa pagkapanlalo ng isang kandidato. Yan naman ang inaasahan ng mga kandidato eh. Noong nagsisimula pa lamang ang mga infomercials na yan may isa akong personalidad na nakitang iniinterbyu umano ang isang pulitiko laking gulat ko ng makita ko syang muli sa isa na naman infomercial ng isa pang pulitiko. Anong ibig sabihin?

Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit ganoon ang nangyayari? Dahil ba ito sa bulok at lumang sistema ng pulitika dito sa atin? Kung hindi sapat ang nalalaman, pinag aralan at ang kanyang mga nagawa na sa bayan upang maging batayan ng pagpili ng ating susunod na magiging pangulo. Mas lalong hindi ko makita kung bakit natin ibabatay sa endorsements ng mga artista na ang ibig sabihin lamang ay may salapi ang pulitikong ito kaya nyang sunugin sa pangangampanya. At sigurado akong walang kung sino mang pulitiko dyan ang tatakbo ng patalo. Kaya nga yung iba iniaapila pa sa korte suprema ang kanilang pagkatalo eh. Kasi luge.

Ang susunod na tanung dyan eh kung papano babawiin ang perang inilabas nila nuong nakaraang eleksyon. Dyan magaling ang mga negosyante hindi ba? Wala namang negosyanteng naging matagumpay dahil sa pagkaluge. At sabihin na nating nabawe na nya ang kanyang mga nagastos, sa tingin ba nyo ay duon natitigil yon? Isang magandang halimbawa na nyan ay yung nangyayari ngayon sa Maguindanao. Mga naglalakihang bahay, magagarbong mga sasakayan. Eh buong angkan ba naman eh nasa pulitika. Anong dapat asahan?

Isa itong walang katapusang cycle. Nakakatakot isipin na ang darating na halalan sa susunod na taon ay magiging moro moro lamang kahit pa ito'y full automation at mauuwi rin lamang sa wala. Siguro ang mahalagang masagot natin ay kung saan dapat maputol ang lumang pulitika upang makapagsimula ang bago. Dahil para saakin hindi ito sa matatapos sa pagboto. Kundi sa ating kahadaan sa pagboto. Kaliwa't kanan ang mga programa sa TV na maaari nating gamiting gabay sa pagpili. Bakit hindi natin gamitin. Upang ang susunod na pangulo ay maging karapat dapat ikumpara sa isang Pilipino.

No comments:

Post a Comment