Kalunos lunos na kalagayan ng mga Pilipino, iba't ibang mukha ng kahirapan sa iba't ibang parte ng Bansa ang mga feature sa "Byaheng Totoo" ng GMA7 kung saan isang notebook na inililibot sa mga pinaka mahihirap na lugar sa Pilipinas na kung saan maaaring isulat dito ang mga hinanaing ng ating mga kapwa sa susunod na pangulo ng Pilipinas.Video from gmapublicaffairs/youtube.com
Sa kabila ng mga kaguluhan dito sa Maynila tungkol sa nalalapit na Election, may mga kababayan tayong hindi ito alintana dahil sa kahirapan. Kung minsan hindi ko tuloy maiwasang maisip na mukhang wala naman ata talagang balak ang gobyerno na lutasin ang prublema ng kahirapan dahil ito rin ang kanilang pangunahing kasangkapan tuwing sasapit ang ganitong mga panahon.
Marami ang nagsasabi na ang pulitika dito sa ating bansa ay Negosyo , wala nang iba. At ang mga negosyante, sino pa? Di ang ating mga opisyal na nakaupo sa gobyerno. Eto ang ilang mga salita, paganahin natin ang ating imahinasyon upang ikonek. Investment, Capital, Advertising, Operational Costs, Target Market, Profit, Family Business. May Konek ba?
Kabi-kabila ang mga "Infomercials" ng ating mga negosyante umeere sa telebisyon. Ginastusan. Nanghihikayat sa ating mga konsumer na sila ang bilhin sa darating na halalan. Samu't saring gimik. Mga sikat na personalidad, Prinsipyo, Bagong pulitika, ultimo mga ordinaryong mamamayan na nagpapatotoo ng kanilang galing at kung anu-ano pang mga pangako. Iyan ay ilan lamang sa mga instrumentong gamit ng ilan. Ang malungkot nito tulad ng ibang produkto, kung wala itong magadang kakompitensya sa merkado, wala din tayong choice. Minsan lang nakakasawa na.
Huwag nating isipin na utang na loob sa mga Negosyanteng ito ang kanilang mga nagawa habang sila ay nakaupo sa gobyerno. Parte ito ng kanilang tungkulin sa masang Pilipino. "Public Servant" diba, na tulad ng isang empleyado sila ay binibigyan ng karampatang sweldo, benepisyo at kung anu-anong mga bonus para dito.
Maraming Eksperto ang nagsasabi na mas matalino na daw ang Pinoy ngayon dahil hindi na tayo nadadala sa papularidad, sa yaman, at mulat na tayo sa mga nangyayari sa ating bansa. "I doubt if all these will really make a difference this 2010." Minsan kasi hindi naman tayo ang prublema kundi ang ating mga pinagpipilian at ang sistema. Isang malaking kalokohan din ang Ideya ng itinatak sa ating mga isipan ng mga Edsa Rebolusyon, na pwede nating patalsikin sa pwesto ang kung sino mang Pangulo kung sawa na tayo.
Friday, November 27, 2009
Negosyante at Empleyado
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment