Thursday, March 25, 2010

Anong Kaguluhan 'to?




Maraming estudyante ang nag amok hindi dahil sa kumakalat na Litrato ni Anne Curtis sa Net, kundi dahil sa as usual, napipintong pag tataas na naman ng matrikula sa susunod na pasukan patikular sa mga nangngunang state universities sa Pilipinas. Hindi na ito bagong tugtugin sa ating mga pinoy lalo na sa mga magulang. Subalit hindi naman ganito. kagarapal. Ang PUP ay naka ambang magtataas ng hanggang 2000%. Nakakalungkot isipin na unti-unti ko nang nakikita ang katotohanang prebeliheyo na ang pag-aaral sa halip na karapatan. Kaugnay ng balitang ito, si UP Los BaƱos Chancellor Luis Rey Velasco din ay nakatanggap ng hindi lamang maanghang na salita ngunit makulay na pagtataboy kanina. nakakatawa pa na humihinge s'ya ng paumanhin sa harap ng kamera dahil sa inasal ng mga taga - UP. Hello?! Kahit sinong tanggalan mo nga karapatan ay aangal din. Ang aso nga wag mong pakainin nag huhurumintado din.

Nakakagulat na lang na habang abala ang lahat sa nalalapit na eleksyon, isa isa nang nakikita hindi lamang ng Pilipinas ang kabulukan ng systema ng ating bansa. Oo nga't marami pang mas mahihirap na bansa kumpara sa atin pero at the rate that we're going hindi na din tayo nalalayo sa kanila. Lubog sa utang, kumakalam ang sikmura, at watak watak na pamilya ang maaaninag sa mukha ng bawat Pilipino. Sabi nga nila pana-panahon lamang yan. True. Gaya na lamang nang ipinalabas sa balita kanina na nanghuhuli na naman ang ating mga kapulisan ng mga namemeke nang kung anu-anong dokumento gaya ng Diploma, transkript, etc. sa Rekto, Maynila. Paano panahon ng graduation. Pero kung ating sisiliping mabuti, whole year round naman ang operation ng mga yan.

Ngayon ay maituturing ding panahon ng mga pangako. Sasabihin ko sa inyo lahat ng gusto ninyong marinig, kahit ibigay ko pa sa inyo ang aking kaluluwa kapalit ng inyong boto. Nakakagulat lang na parang wala pa akong nakikitang nag-react sa ating mga presidentiables sa isyu ng pagtataas ng matrikula. Abalang abala pa siguro sila sa kanilang pagpapapresko. Samantalang ito ay isa sa kanilang matagal nang ipinapangako. Pikit-mata't kibit balikat na nangangamay ng mga botante sa kalsada. Ang pinapalabas pa nung iba dapat silang pasalamatan. Para saan? Ang iba naman ipinangako pa ang langit at lupa. Para mo na ring sinabing nindi na mawawala ang mahihirap kung i-eequate mo ito sa corruption. hays...

Napakaraming bagong issues na nagsusulputan. Taas baba sa presyo ng mga produktong petrolyo, kakulangan ng supply ng tubig at kuryente (browouts), eh napakarami pang issues ang hindi pa nasasagot. Halimbawa na lamang ano na kaya ang nangyari kay Mr. J. Bolante? na bali-balitang sigurado na daw ang panalo sa probinsya ng Capiz (Tsismis). Sumusweldo pa kaya si Senator Ping Lacson kahit MIA na sya sa Senado? Eh ang issue sa Maguindanao? Tapos na ba? Iba pa dyan yung issue sa pagitan ng Simbahan at ng pamahalaan tungkol sa pamumudmod ng Condom. Hay?! Ang sarap maging Pilipino ( siguro kung anak ka ni Manny at ni Jinky)!

Eto na lamang ba ang pag-asa natin? Ang nalalapit na Eleksyon? Kung OO. Kawawa naman si Juan Dela Cruz. Pimple na lamang ang walang kalyo sa kakatrabaho. Pero gayun pa man tuloy pa rin ang laban. Hindi naman parang boxing lang yan na hanggang 12 rounds lang. Idaan mo na lamang sa dasal. Yan naman ang nakakabilib na katangian mo eh. Ipagpasadyos na lamang...:(


No comments:

Post a Comment